User manual

37
buwan o mas madalas pa, halimbawa ay kasabay sa pag-
vacuum ng inyong tahanan.
Ikalawang hilera ng piltro
(c) Pinduting ang boton na pangbukas (10) at iangat ang takip.
(d) Tanggalin at linisin and pangunahing piltro sa pamamagitan
ng vacuum cleaner na may brush nozzle. (e) Linisin ang parilya
at ang caha ng mga piltro. (f) Iangat ang parilya sa pamamagitan
ng hawakan. (g) Maingat na tanggalin ang lalagyang kordon.
Gamitin ang dalawang kamay at siguraduhing pantay ito. (h)
Linisin and loob ng air cleaner sa pamamagitan ng brush o
crevice nozzle. Kung kinakailangan, gumamit ng basang tela na
binabad sa sabon. (i) Ibalik and lalagyang kordon (gamitin ang
dalawang kamay) at isara ang parilya. (Kung ang kordon ay
putol na, basahin and seksyon sa Pagkukumpuni.) (l) Ilagay muli
ang pangunahing piltro. Siguraduhin na tamang tama ang
pagkakasalpak ng piltro. (k) Ilagay muli ang takip. Pindutin and
boton na “reset” (4) pagkatapos ng paglinis o pagpalit (ito ay
nakalagay na tama kung kayo ay may narinig na klik). Laging
palitan ang pangunahing piltro kung ito at sira na.
Agwat ng paglinis
Depende sa antas ng kontaminasyon ng hangin, dapat ninyong
isagawa and paglilinis minsan sa loob ng isang buwan o kapag
umilaw ang indikador.
Ang pangunahing piltro ay maaring mangailangan ng mas
madalas na paglinis kung kitang-kita na ang alikabok sa ibabaw
nito.
Palitan ang pangunahing piltro minsan sa loob ng isang taon o
mas madalas pa kung kinakailangan o kapag umilaw ang
indikador.
Kung gumagamit ng piltrong karbon, palitan ito minsan bawat
ikalawang buwan or kung hindi na ito nakakaalis ng mga gas o
amoy.
Ang numerong pangreperesiya ng pangunahing piltro ay EF100.
Pagkukumpuni
Pagpapalit ng kordon – Tanggalin ang sirang kordon. Maingat
na ilagay ang bagong kordon. Ilagay ang dulo ng kordong sa
lagakan. Ibaling ng kaunti and lagakan ng kordon at ilagay ang
kabilang dulo.
Kung ang elisi ay hindi umiikot (halimbawa kung walang
hanging bumubuga), tingan kung ang saksakan ay walang
sira at kung ito ay nakasaksak. Tingnan kung nakalagay na
tama ang takip at ang mga piltro. Kung hindi ang mga ito and
sanhi ng problema, kumunsulta sa isang autorisadong
tagaserbisyo.
Kung ang pangalawang hanay ng mga piltro ay hindi
dumudumi at kung ang indikador ay umilaw, tingnan kung ang
lagayan ng kordon ay may sira. Kung ang kordon ay walang
sira ngunit umiilaw pa rin ang indikador, dalhin na ito sa
autorisadong tagaserbisyo.
Ang walang patid na ingay mula sa ikalawang hanay ng mga
piltro ay nangangahulugan na dapat na itong palitan. Kung
hindi pa rin ito tumigil, kumunsulta sa autorisading
tagaserbisyo. (Ang marahang sumasagitsit na ingay ay normal
lamang, lalo na kung ang inyong air cleaner ay bago pa
lamang.)
Para sa pinakamagandang resulta
Ilagay ang air cleaner sa sahig malapit sa pader. Ang air
cleaner ay humihigop ng hangin sa lebel ng sahig at ibinubuga
and malinis na hangin pataas. Kung mayroon heater na nakadikit
sa pader, ilagay and air cleaner sa tabi nito upang hanging galing
sa air cleaner ay sumabay sa pagtaas sa mainit na hangin. Kung
mayroong dalawang air cleaner sa loob ng isang silid, paglayuin
sila hanggat maari ngunit sa tabi ng iisang pader.
Mga Instruksiyon para sa Pagpapatakbo
1.
Bilis ng elisi
8.
Bitbitan
2.
Display
9a.
Cordon
3.
Sensor ng ingay
9b.
Lagayan ng cordon
4.
Boton sa pagpalit ng piltro
10.
Pangbukas ng takip sa ibabaw
5.
Parilya ng pasukan ng hangin
11.
Plato
6.
Parilya ng labasan ng hangin
12.
Exstrang kawad
7.
Pintuang pauna sa piltro
Pag-gamit
Ang modelong ito ay sadyang ginawa upang tumakbo ng walang
patid kung ang elisi ay nasa Posisyon 1. Kung kailangan, maaari
itong patakbuhin ng mas mabilis (Posisyon 2 at 3). Mas mabuting
paandaring ang air cleaner ng walang tigil maghapon at
magdamag. (Mas maliit pa and konsumo nito sa kuryente sa mga
karaniwang bombilya.) Ang air cleaner ay may manual at
automatikong kontrol sa bilis ng elisi.
A Andar/Hinto. Ang air cleaner ay parating aandar sa posisyong
C ( ). Kapag namatay ang koryente, ang air cleaner ay
aandar sa kung anumang posisyon ito ay huling inilagay.
B Sa ganitong posisyon, ang bilis ng bentilador ay ayon sa
lakas ng ingay sa loob ng kuarto. Ang air cleaner ay
umaandar sa pinakamabilis nitong kakayahan ngunit hindi
nagdadagdag ng ingay sa loob ng kuarto.
C Sa ganitong posisyon, ang bilis ng bentilador ay ayon sa dumi
ng hangin sa loob ng kuarto.
D Mga butones para sa manual na pagpapalit ng bilis.
E Sinasabi ang lakas ng ingay sa loob ng kuarto (kapag nasa
posisyon).
F Sinasabi ang bilis ng bentilador.
GMataas na bahagi ng dumi sa hangin. Ilagay sa 3
o automatik ( ).
HKatamtamang bahagi ng dumi sa hangin. Ilagay sa 2
o automatik ( ).
I Mababang bahagi ng dumi sa hangin. Ilagay sa 1
o automatik ( ) at iwanan sa ganitong posisyon.
J Sinasabing oras na para linisin ang mga pangsala ayon sa
talaan ng pag-aalaga.
K Sinasabing dapat palitan na ang mga pangsala.
Mga hakbang sa paglilinis at pag-aalaga
Ugaliing tanggalin sa koryente bago umpisahang linisin ang air cleaner.
Unang hilera ng piltro
(a) Buksan ang pintuan (7).
(b) Ilabas isa-isa ang mga piltro at linisan sa pamamagitan ng
isang vacuum cleaner, na mas maganda kung may piltrong S-
class, micro, o HEPA. (Kumunsulta sa inyong ahente ng Lux kung
wala kayo nito.)
Gumamit ng brush nozzle upang maiwasan ang pinsala sa
piltro. Matapos linisan, ibalik ang mga piltro at isara and
pintuan. Ang mga paunang piltro ay hindi kailanman
kailangang palitan. Gawin ang hakbang na ito bawat ikalawang